byxbuzz

byxbuzz


Huwag Idamay si Big Brother sa Balitang Biggel

Posted: 05 Jan 2012 06:18 AM PST


Marami ang nagrereact sa nilabas kong mga legal documents (na bigay sa aking ng aking source) tungkol kay 'Pinoy Big Brother UnliNight' Housemate Joseph (Biggel). Iyong mga ibang komento ay masasakit pero mas maraming natutuwa at nagpapasalamat. Yung ibang komento ay aking binubura dito sa aking blog. Bakit ko binura, narito:

May ilang fans diyan ang nagpopost na di umano'y bin*yaran daw ako ni Direk Laurenti Dyogi ng 'Pinoy Big Brother' na bianyaran ako para mag-rate o mag-ingay ang show. Dagdag pa nila, na gusto ilaglag ng PBB si Joseph dahil daw mas bet na ni Big brother ang Tambalang Tin-Kevin at Tin-Jerico kaya pinagsasama ang 2 grupo. Please po huwag po natin idamay ang PBB, wala po silang kinalaman rito sa mga blog ko! Minsan nga sinisita ko sila kapag di kagandahan ang task so iyon ang nagpapatunay na di ako taga-PBB. At saka parte ng twist at competition ang pagkikita ng Team Wayuk at Team High Voltage para saan ba't tutungo din tayo sa Big Night

May nagsasabi na nagtatarbahao ako sa ABS-CBN, gaya ng tinutweet ko, hinde po ako konektado o nagtatrabaho sa anumang TV stations sa ating bansa at proud ako doon dahil nagpapatunay na wala akong kinikilingan.

Hinde po ako binabayaran ng pamilya ng tatay ni Housemate Joseph na si Mr. Biggel. kaya nga po nakapaskil dito ang "Give us Tips", Email address, Facebook Fan Page at Twitter ko para makontak nila ako. Ang mga dokumento at impormasyon ay nagmula sa aking source.

Muli maraming salamat po sa inyong lahat! :)

Photo by ABS-CBN and Endemol


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...