byxbuzz

byxbuzz


Charice May Karelasyon na Babae?

Posted: 28 Feb 2012 05:35 AM PST

Mga ilang linggo na ang nakakaraan ng i-message sa akin ni @TwiterosoGuy ang isang balita na nakalap niya mula sa mga fans ni Charice.

Ayon sa usap-usapan ng mga Chasters, si Charice daw ay di umano'y may karelasyong babae. At ang babae daw na ito ay ang walang iba kundi ang kanyang American Personal Assistant (PA). Madalas pa raw magpunta ang mga magkasintahan sa mga bars for gays.

Di raw tanggap ng nanay ni Charice ang relasyon niya sa kanyang PA. Di na raw nga magkasama sa isang tahanan si Charice at ang kanyang nanay matapos magkaroon sila ng pagtatalo.

Kahapon nga ay lumabas ang isang blind item sa Fashion Pulis (mababasa rito) at ang tinutukoy ng BI na ito ay ang walang iba kundi ang mag-inang Charice so kaya naisipan ko nang ibahagi ang chika na ito.

So binigyan ako ng link ni @TwiterosoGuy ng isa sa mga Chasters na nag-chika tungkol sa karelasyon nito. Eto ang screenshot:


Sabi nga ng isa sa mga Twitter followers ko ay si Charice daw ang Pinoy version ni Lindsay Lohan. Di naman siguro. Kung totoo man ang chika ay wala namang masama doon, umiibig lang si Charice pero sana huwag siya magpakalulong sa pag-inom. Okay lang ang umibig. Masarap kaya ang umibig at magpakatotoo sa nararamdaman mo.


Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...