byxbuzz

byxbuzz


'PBB UnliNight' Housemate Deniesse Nagahasa?

Posted: 17 Dec 2011 04:28 AM PST


Vocal ako sa pagsabi na sinusoportahan ko sa 'Pinoy Big Brother UnliNight' sina Wendy, Deniesse, Kigoy, Seth, Slater, Divine, Carlo, Eting sa Twitter ko o sa Fan Page ko.

Kaya gusto ko si Deniesse dahil SPICE siya maaaring maaarte o masama sinasabi ng bibig niya pero para sa akin nagpapakatotoo siya kung ano siya bago pa siya pumasok sa Bahay ni Kuya, kung ayaw mop madidinig mo wala tayong magagawa dahil yun siya at salamat kay Big Brother at tinutulungan niya si Deniesse na magbago sa pananalita. Alam mo yun kahit para sa iba di kagandahan ang imahe ni Deniesse eh para sa akin isa syang mabait na tao, may lalim ang pagkatao niya.

Marami ang nagtatanong kung bakit di na inere ng PBB yung eksena ni Deniesse sa loob ng Diary Room (Confession Room) marami ang nag-aantay rito... pero ayon sa aking tsikang nasagap eh tungkol ito sa malagim na nakaraan ni Den. Inuulit ko nasagap ko lamang ito, maaaring totoo, maaaring hinde kaya nga napapa-aaawwww Deniesse ako sa Twitter since last week.

Ayon sa tsika, nagahasa si Deniesse, tama isang sensitive na materyal kaya siguro nagdadalawang isip ang PBB na i-ere ito. Pero lalong lumaki ang usapin na ito ng pag-usapan ng mga Girl Housemates sa kanilang bed room kaninang madaling araw ang tungkol sa topic na rape... Bigla na lang lumabas ng kwarto at nag-break down si Den nagsabing ayaw niya itong pag-usapan. Nang lalaliman na ni Joya ang usapan tungkol sa rape bigla na lang pinatay ni Big Brother ang ilaw sa room nila na hudyat na itigil ang usapan at matulog na.

Sabi ng ilan baka date rape kung saan daw ang mga babae pa raw ang nasisi, baka maaari ring daw kamag-anak kaya never pa napapakilala sa TV ang mga Kapamilya niya at kaya kung bakit Independent Woman ng Sampaloc ang tawag sa kanya. Sabi naman ng ilan baka sikat na tao ang lalake na ito.

Kung totoo man ang tsika na ito eh bilib na bilib ako kay Deniesse dahil taas noo siyang nabubuhay at nagtatrabaho kahit na may ganito nga siyang nakaraan pero sana nga di ito totoo.

Photo via Deniesse Joaquin Fan Page


Get the latest updates and fast facts!!! Follow me on Twitter @byxspeaks. Like my Facebook Fan Page For events and ads, just contact me at thisisbyx.speaks@gmail.com. Thanks for loving my blog!!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...